<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1340680729521134566?origin\x3dhttp://twissh.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Monday, November 3, 2008
"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."



Yan ang sabi ni Bob Ong. Oo, idol ko siya. Ang galing niya magsulat. At sa palagay ko tama ang sinabi niyang 'yon.



Pero sa nakikita ko ngayon, konti na lang ang mga taong nabubuhay ayon sa paniniwalang 'yan. Napakamoderno na talaga ng panahon ngayon. Halimbawa na lang ang mp3s at ipod. Nabuhay tayong lahat na walang mp3 o ipod. Dati. Peron ngayon, sino na lang ba ang walang mp3? Nung nagshoot nga kami ng indie film, may nakita akong lalaki sa Intramuros naglalakad. Nakikinig sa mp3. Wala namang tshirt. Haha. Kita mo? Pwede namang walang mp3 pero may damit. E siya, pwede nang walang damit basta may mp3.



Isa pa ang computer. Jusko. Lahat na ata ng bata ngayon pagkatapos ng klase sa harap ng computer ang punta. Yung iba dyan maglalaro. Yung iba gc-gc-han effect. Pero bakit dati, yung mga bata sa kalye naglalaro. Sa libro natuto at nag - aaral. Wala. Nasanay na tayong lahat sa bagay na pwede namang wala sa buhay natin.



At bakit ba ako nag - abala na magpost nito dito? Kasi. Ako. Nung nabasa ko yan, tinamaan ako. At 99.9% akong sang ayon sa pahayag na iyon. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit patuloy akong nabubuhay dun sa 0.1% na kontra dun sa pahayag? Bakit kahit gusto ko nang kalimutan yung mga bagay na hindi naman importante sa buhay ko e hindi ko magawa. ADIIIIKKKK!!




Gah.



KUNWARI WALA KAYONG NABASA. WALANG LANG AKONG MAGAWA. WAG NIYO NA YANG PANSININ.
twish ♥ 8:12 PM
Me, Myself and I
Memories
Links
Talk
Layout Information