<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1340680729521134566?origin\x3dhttp://twissh.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Sunday, December 21, 2008
After 100 years...

Eto. Nagbabalik ako. Haha.


Hindi pa rin naaayos yung computer. Anubayan. Pero ok lng. Pwede na ulit ako mag onlyn kung kailan ko gusto. oha.


Nung Wednesday Christmas Party. Si Jem and nakabunot sa akin. Si Jaycee naman ang nabunot ko. [Sana ok yung regalo ko sa kanya.] Pero umuwi na rin ako after ng party. Yung ibang Franklin girls nagRob pa e. Kaso tinamad talaga ako. Sorry.


Nung Thursday wala namang nanyaring maganda. Haha.


Nung Friday Christmas Party ng Linnae. Tapos celebration na rin ng mga nagbirthday. Pero highlight yung kay Bien. Kasi siya yung latest celebrant. As usual, masaya. Kahit medyo konti lang kami. Yung mga palaging present sa "hang out" ng Linnae nakapagtatakang hindi dumating. Si Kim, Lapor, Jen..blahblah. Marami pang iba kaya lang ayokong mag isip masyado sa mga oras na ito. Si Savy ang nakabunot sa akin. Si Palconit ang nabunot ko.[Sana ok ulit yung regalo ko. Tsaka sorry walang card.]Umalis na rin ako agad. Kailangan ko rin kasing pumunta sa Trinoma. Family Gathering.[Ay, may ganun?] Haha. Tapos sa Bulacan na kami dumiretso nun. Nameet ko na ulit yung mga pinsan kong matagal tagal ko nang hindi nakikita. Ayun. Ganun pa rin sila. Haha. Si Kuya Ryan mas friendly pa rin kesa kay Kuya Mark. Tapos nameet ko yung aking laptop nung kinagabihan. Bigay lang siya ng Tita/Lola. [Bad ako. Hindi ko alam kung kanino ba talaga galing.]But, yay! It;s green. Love it. Tapos natulog na ako nun. Haha.


Nung Saturday Pumunta kami ng Tiendesitas. Kasama pa rin yung 3 Tita ko, 3 Tito, yung 3 Kuya ko[pinsan], 3 mas batang pinsan tsaka yung yung family ko. Tapos nun sa Yupangco Building sa Makati. Katapat ng Mapua. Bumili ng keyboard ang pinsan ko. Tapos umuwi na rin.


Tapos ngayong Sunday nanood ako ng Monster's Inc. Pangatlong beses na ata 'to e. Pero mas enjoy ko ngayon. Kasi naalala ko si Yamapi habang nanonood eh. May nabasa kasi ako dati. Naiyak daw siya nung pinanood niya yung movie na yun. Haha. Tapos eto, ginawa ko na tong post ko.

^_^
twish ♥ 12:58 PM
Saturday, December 6, 2008
hay. Soobrangtagal ko nang hindi nakakapagcomputer. Marami-rami nang nanyari sa buhay ko e. Kaso tinatamad na ako magsulat dito. Haha.



Andami dami ko nang namiss sa mundo ng internet. Nyaha. Ang mga JE Boys. Ang mga blog. Ang mysoju at crunchyroll. Yung mga usapan namin ni Meiimeii at Savy sa Y!M. Hayy buhay.



Kailan ba kasi aayusin yung computer ko? Isang linggo na kaya akong naghihintay.



THURSDAY

Teacher's Day. Walang klase. Program lang. mula 7:00 am - 9:00 am. After nun,, wala nang ginawa. Pero hindi pa pwede lumabas ng school. Kaya nag ikot ikot muna sa school. Tapos natulog sa UCB. Tapos nagRob. As usual, sa National Bookstore ang entrance namin.[Note: Franklin Girls ang kasama ko.] Nakalusot. Pero may bantay papunta sa mall. So walang kwenta rin. Anong gagawin namin sa National? Umalis na lang kami. Pero dahil ayaw pa talaga namin umuwi, sa SM Manila na lang kami. Nakabili na nga rin pala ako ng pang exchange gift. Sana magustuhan nung nabunot ko. Tinulungan pa ako nina Jem at Jen pumili nun.



FRIDAY

Walang pasok. Pero maaga pa rin akong nagising para sumundo sa Airport. Sabi 5:40 ang dating nila. Sympre hindi naman sila makakalabas agad. Mga 6:30 na kami dumating dun pero wala pa rin yung Tita at Tito ko. Jusko. Antagal nila. Mga 7:45 na kaya sila nakalabas. 3 eroplano pala kasi ang sabay sabay na dumating. Tapos nagpunta sa Duty Free. Tapos SM Fairview. Tapos sa bahay ng isa ko pang Tita sa Bulacan. Pagdating namin brown out. Naexcite pa naman ako kasi akala ko makakapagcomputer ako. Kainis. Sobrang nakakabato. Simula 3:00 pm hanggang mga 10:30 walang kuryente. Hayy. Mas mahirap pa yun kaysa walang computer.[obviously] Natulog na lang tuloy ako.



SATURDAY

Pag gising ko ng 6:00 am may kuryente na. Yay! Nakiepal ako sa pinsan ko. Haha. Bago kasi yung laptop niya.[Kababawan] Tapos nun gala ulit. SM San Lazaro tapos Trinoma. Nakakapagod. Lakad lang naman kasi nang lakad. Wala akong nabili. Pagkain lang[Ice Monster, Sizzling Plate, Burger King at Bread Talk]. Ang namili lang naman talaga ay yung Tita kong galing US. Nung umaga pa naman nakita ko yung txt ni Ivonny. gagawa kami dapat ng parol. Wala akong load. Kaya hindi ko nasabi na hindi ako makakapunta. Pero alam naman ni Ellaine. Sana nasabi niya sa mga kagrupo ko. Si Dan din nagtxt. Maleleyt daw siya. Nagsorry pa ata. Hindi niya alam ako hindi pupunta. Hindi ko na rin siya nareplayan nun. Sorry talaga sa mga kagrupo ko. Babawi ako.[pano kaya?]



btw, wala pa akong physics. Hyess. Gudlak talaga. Baka gabi na kami makabalik sa Pasay bukas oh. Sira pa computer. Pano kaya yun?



Hanggang dito na lang muna..
twish ♥ 8:39 PM
Me, Myself and I
Memories
Links
Talk
Layout Information