![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
| Saturday, December 6, 2008 |
Andami dami ko nang namiss sa mundo ng internet. Nyaha. Ang mga JE Boys. Ang mga blog. Ang mysoju at crunchyroll. Yung mga usapan namin ni Meiimeii at Savy sa Y!M. Hayy buhay. Kailan ba kasi aayusin yung computer ko? Isang linggo na kaya akong naghihintay. THURSDAY Teacher's Day. Walang klase. Program lang. mula 7:00 am - 9:00 am. After nun,, wala nang ginawa. Pero hindi pa pwede lumabas ng school. Kaya nag ikot ikot muna sa school. Tapos natulog sa UCB. Tapos nagRob. As usual, sa National Bookstore ang entrance namin.[Note: Franklin Girls ang kasama ko.] Nakalusot. Pero may bantay papunta sa mall. So walang kwenta rin. Anong gagawin namin sa National? Umalis na lang kami. Pero dahil ayaw pa talaga namin umuwi, sa SM Manila na lang kami. Nakabili na nga rin pala ako ng pang exchange gift. Sana magustuhan nung nabunot ko. Tinulungan pa ako nina Jem at Jen pumili nun. FRIDAY Walang pasok. Pero maaga pa rin akong nagising para sumundo sa Airport. Sabi 5:40 ang dating nila. Sympre hindi naman sila makakalabas agad. Mga 6:30 na kami dumating dun pero wala pa rin yung Tita at Tito ko. Jusko. Antagal nila. Mga 7:45 na kaya sila nakalabas. 3 eroplano pala kasi ang sabay sabay na dumating. Tapos nagpunta sa Duty Free. Tapos SM Fairview. Tapos sa bahay ng isa ko pang Tita sa Bulacan. Pagdating namin brown out. Naexcite pa naman ako kasi akala ko makakapagcomputer ako. Kainis. Sobrang nakakabato. Simula 3:00 pm hanggang mga 10:30 walang kuryente. Hayy. Mas mahirap pa yun kaysa walang computer.[obviously] Natulog na lang tuloy ako. SATURDAY Pag gising ko ng 6:00 am may kuryente na. Yay! Nakiepal ako sa pinsan ko. Haha. Bago kasi yung laptop niya.[Kababawan] Tapos nun gala ulit. SM San Lazaro tapos Trinoma. Nakakapagod. Lakad lang naman kasi nang lakad. Wala akong nabili. Pagkain lang[Ice Monster, Sizzling Plate, Burger King at Bread Talk]. Ang namili lang naman talaga ay yung Tita kong galing US. Nung umaga pa naman nakita ko yung txt ni Ivonny. gagawa kami dapat ng parol. Wala akong load. Kaya hindi ko nasabi na hindi ako makakapunta. Pero alam naman ni Ellaine. Sana nasabi niya sa mga kagrupo ko. Si Dan din nagtxt. Maleleyt daw siya. Nagsorry pa ata. Hindi niya alam ako hindi pupunta. Hindi ko na rin siya nareplayan nun. Sorry talaga sa mga kagrupo ko. Babawi ako.[pano kaya?] btw, wala pa akong physics. Hyess. Gudlak talaga. Baka gabi na kami makabalik sa Pasay bukas oh. Sira pa computer. Pano kaya yun? Hanggang dito na lang muna.. |
| twish ♥ 8:39 PM |
| Me, Myself and I |
|
|
| Links |
|
|
| Talk |
|
|
| Layout Information |