<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1340680729521134566?origin\x3dhttp://twissh.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Sunday, September 27, 2009
OKAY. 092609



Natuwa naman ako kasi malamig. Makakapag jacket ako. Tas inihatid pa ako. [Usually kasi, pag weekends, nagcocommute lang ako pagpasok.] So ayun.



Nung nasa PLM na, di talaga tumitigil yung ulan. Tas nagquiz kami sa Filipino. Ambaba ko. :| Tapos nun, pumunta kami sa GK306 para sa Acctg. Wala kasing Psych so kinuha ni Sir Acol yung time namin. Kasi ilang araw na rin walang Acctg. Ayun. Pagdating sa GK nagbrown out. Sabi ni Sir kumain na muna. Tas pag nagkakuryente, magkaklase na. Sayang. Kundi sana nagkakuryente...



Ayun. Aroun 11:20, nagsuspend na ng klase. PERO...hinold kami ni Sir. 1 na kami pinauwi. Anlakas pa rin ng ulan. Non-stop. Mejo baha na nun. Pero go pa rin ako. Sumabay ako kina Sherly, Arvin, Choco, Alfred, Nia, Mai, Raine, Am-b, Jen, Bene at Karren. Si Arvin naka medyas lang. Sina Choco at Alfred, nakapaa lang. Akala ko talaga, hanggang tuhod lang yung baha. Haii. Akala ko lang pala. Sa garden kasi na dinaanan namin hanggang tuho pa lang ee. Dun pa lang parang ayaw na ni Sherly tumuloy ee. Kaya lang andun na ee. Nauna na lang ako. At kahit unang beses kong lumusong sa ganung baha, nagtapang tapangan na lang ako at nauna. Haha. Pero sa totoo lang, natatakot din ako. Muntik pa akong madapa pagtawid. Hahaha.



Sina Choco at Alfred, nahulog pa sa manhole. Sana okay na sila. Tas nagpatuloy pa rin kami hanggang dun sa may underpass. Bahang baha na. Yung underpass at Lagusnilad, parang dagat na. Tas ung highway, hanggang bewang na yung baha. Ang original plan, magSM. Kaso andami nang tao. Ang iniisip ko na lang nun makaabot kami ng LRT. Para sana makapunta sa Obrero. Pero ayon kay Karren, baha na daw sa Abad Santos. E dun kami baba ee. Sudden change of plans. Cavite sana. Kaso, 2 hours nang nsa coastal road ang Lola ni Arvin. Last option, Makati. Tas nung papunta na kami sa MRT, may nakita kami nina Sherly at Arvin na kamukha ni Eunhyuk. Haha. Pampabawas ng stress. Tas ang iniisip namin nun, kung hindi na talaga kaya sa Makati maghohotel na lang kami ee. LOL. Pero buti na lang talaga nakarating pa kami sa Makati. Kumain muna kami sa Mcdo. Tas bumili nag pamalit na damit. Tsaka slippers. MARAMING SALAMAT SA MAMA NI ARVIN.Tska sa tito niya. Kumusta na lang kami kung wala sila? :)



Ayun, nag jeep na kami papunta dun sa bahay nung isa pang Lola ni Arvin. Walang kuryente dun. Pero sobrang pasalamat na namin na may matutuluyan kami. Kasi yung iba, wala talaga. Tas ayun. Naligo kami. Nagkwentuhan. Bumili ng pagkain. Ambait nga nga kapatid ni Arvin ee. Haha. Tas nun, huniga. Konting usap. At mahabang katahimikan. Hindi ko na nga alam kung paano at anong oras na ako nakatulog.



Nung pagkagising, kumain kami. Kwentuhan ulit. Soundtrip kahit lowbat. Hanggang sa tuluyan nang sumuko ang mag phone namin. Tas nakipagkita na yung Mama ni Arvin sa dorm niya. Tas sabay sabay na kami nag bus. Sila hanggang Imus. Kami ni Sherly sa bahay na. Baha pa rin kasi sa kanila.




Salamat talaga kay GOD. Maayos naman kaming nakauwi. Tas walang masamang nangyari sa amin. Pati iba naming mga kablock. Ang sarap ng feeling. Na yung sa mga panahon na yun, yung bond namin, lalong tumibay. Yung tulungan talaga kaming magkakaklase. Tas kaming mga SH sama sama talaga hanggang sa dulo. Yung alam namin na okay lahat. May matutuluyan. Makakuwi ng maayos. Sandali pa lang naman kaming tatlo naging ganito kaclose. Most of the time, magkakasama kami sa kasiyahan. Kpop fandom. Food trip. Ice breaker. Pero hanggang sa ganitong pagkakataon.. kami kami pa rin. Sana tumagal at tumibay pa lalo yung friendship. Never kong naisip na pwedeng mangyari 'to. As in yung mga pinagdaanan namin, hindi talaga biro. Siguro mababaw pa 'to kesa sa dinanas ng iba, pero sobrang dami kong narealize sa pangyayaring 'to. Ayun.. nagiging madrama na ako oh. Mwahaha.



One of the most memorable and longest days in my life.



Sana lang, yung pagtutulungan ng mga tao ngayon, hindi lang sa panahong ganito. Sana ganito palagi. Sana yung mga wrong doings.. yung kawalan ng "care" sa environment.. sana itama na natin. Para kung magkakaron man ng sobrang lakas ng ulan o bagyo, hindi aabot sa ganitong sitwasyon.



Nakakalungkot na nangyari yung ganito. Nakaktuwa kasi nagkakaisa ang mga tao. Ang gulo. Ewan..Ang korni na. Pero yun yung totoo.



Haha. Wui, ingat kayo palagi ah. XD


Gagawa na ako ng reaction paper para sa Psych.
twish ♥ 7:15 PM
Me, Myself and I
Memories
Links
Talk
Layout Information