![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Friday, May 27, 2011 |
Ayun, dahil nga wala akong magawa, tinatamad kasi ako manood ng shows... tapos na rin ako tumambay sa tumblr... wala rin ako sa mood magbasa ng fics... di rin ako yung tipo ng taong naglalaro ng online games... kaya ang napagtripan ko ngayon ay magsearch ng names ng mga friends sa net. Haha. Wala, nacurious lang ako kung anu-ano yung lalabas. Nakita ko ang ilan sa mga social network accounts nila at blog. Nung napagod na ako, syempre, turn ko naman i-search ang sarili kong name. Hoho. Ganun din, nakita ko rin ang aking mga social network accounts at blogs. Oo, blogS. Marami eh. Yung iba blogs ng di ko kilala.Nagulat nga ako eh. Yun pala, dahil yun sa ticket. nagparaffle kasi yung arrirang.co.kr dati para sa pagpunta ng SHINee<3 sa Korea-Philippine Friendship Day. Nakuha ako. No.327? Yea. tapos yung isa, eto, personal blogko. And the rest, blogs na pinagawa sa iba't ibang subjects nung high school. Nabasa ko rin yung mga former classmates ko. Yung iba mahaba, pero go lang. binasa ko lahat. Di ko namalayan, para na akong baliw. Haha. Nakangiti mag-isa. Nakakatuwa lang. Masarap talagang balik-balikan ang nakaraan. Namiss ko tuloy yung high school. As in yung simula dun sa unang pagtapak ko sa MaSci. Yung feeling na makasama ang Honesty. Yung umupo dun sa room sa 3rd floor ng Bordner, homeroom ng Honesty.Di ko na maalala yung room number. :)) Dalawa lang naman yun eh. Left: Honesty. Right: Benevolence. Yung homeroom namin na mukhang basuran. Nagmukhang malinis for several minutes dahil may bisita DAW pero nung hindi dumating, basurahan mode na naman. LOL. Wala naman sigurong nagsadyang gawing ganun kadumi yung itsura ng room, parang kusa kasi siyang dumudumi. :)))))) Tapos yung Pauling. Walang homeroom. Actually,meron pala. Pero I don't remember staying there for homeroom period. Pero masaya rin sa Pauling. Yung sobrang ingay kahit nasa klase. :)) Magbabarahan pa niyan sina Ron at Jayvee. Andaming memories sa year na 'to eh. Eto rin yung mga panahon na di ko masasabing sobrang dali pero di rin sobrang hirap. Pero MASAYA. Nung 3rd year, Linnae naman. Akala ko mao-OP ako dito eh. Prang magkakakilala na silang lahat. Tapos 1st quarter pa lang issue na, with a teacher pa. Pero sa tingin ko, yun ang naging foundation ng samahan ng Linnae. Dahil dun kaya kami "buo". May pa-surprise surprise pa sila nun para sa nagbirthday ng bakasyon. :)) Medyo nagtampo pa nga ako nun kina Diana at Joanna. Nung lumapit kasi ako sa kanila, bigla silang tumigilmagsalita at para bang nag uusap ang kanilang mga mata. Akala ko may nagawa akong masama sa kanila.:)) At dahil yan sa very cool adviser namin kaya may ganyan ganyan. Eto na yata ang pinakasolid na section eh. Tambayan namin ang bahay ni Bien. Hanggang ngayon, solid pa rin naman 'to.(Nga ba?) Haha. Di siguro physically, pero alam ko, we're still one, we're still Linnae deep down in our hearts. Cheesy. Haha. Franklin. Daming loko loko. Ayaw ko nga dito nung una eh. Magpapalipat pa nga sana kami ni Ellaine ng section. Pero ang cool lang, kasi di tulad nung mga past years, pag lunch hiwa-hiwalay na yung mga group. Sa Franklin, iba, sa isang table lang yung girls. Sama-sama palagi. 3 lang naman yun eh, FG(irls) or FB(oys) or group nina Ubas. Minsan merge na yung FG and Ubas group. :)) Isa pang cool na bagay sa Franklin, kami lang ang girls na may nagclass sa Electricity. Yeaaaa. Masaya. Miss ko na yung line diagram. Hoho. Tuwing AdChem yun ginagwa eh. At sinong bang nagsabing first impression never lasts? Mali yun. Kung ang impression sa section ns 'to ay loko loko, true enough, loko loko nga ang nakararami dito. Grabe. Dami ko pang gustong ikwento dito pero npapagod na akong magtype. Kaya sinummarize ko na bawat year. Ang bottom line lang naman dito ay namiss ko ang high school years. Sarap maging high school 'no? It's definitely one of the best chapters in one's life, if not the best. Agree? Sabi nga nila, " Your college friends may know who you are, but high school friends will understand why you are who you are." Am I still making any sense here?:)))) Ciao~ |
twish ♥ 3:49 PM |
Me, Myself and I |
|
Links |
|
Talk |
|
Layout Information |